Nasa mahigit 17,000 paaralan sa buong bansa ang nakahanda na para sa pagsasagawa ng expanded face to face classes.
Ayon sa DepEd, kabuuang 17,479 public at private schools ang inirekomenda regional offices para magsagawa ng progressive expansion phase ng in person classes.
Sa naturang bilang nasa 17,054 mula sa public schools a 425 mula sa private schools.
Nangunguna sa listahan ng may pinakamaraming eskwelahan na inirekomenda para sa physical calsses ang Central Luzon sinundan ng Eastern Visayas at Central Visayas.
Ang mga eskwelahan na ito ay full compliant sa School Safety Assessment Tool (SSAT) subalit kasalukuyang pending pa ang approval mula sa LGUs.
Positibo naman si Secretary Leonor Magtolis Briones sa upward trend ng bilang ng mga paaralang nagbukas na at nagsasagawa na ng classroom based learnibg.