Napigilan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mahigit 170 passport application ng mga indibidwal na may kwestiyonableng nasyonalidad.
Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Adelio Cruz sa pagdinig ng Senate subcommittee on finance na pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda.
Aniya, karamihan sa mga nagsumite ng birth certificates na requirements sa pagkuha ng pasaporte ay nagpapakita ng delayed registration.
Ayon pa sa DFA official, 71 mula sa 171 ng mga fraudulent passport applications ay ni-refer na sa National Bureau of Investigation.
Karamihan ay first time applicants at lahat ay may delayed registration habang may ilan din aniyang mga dayuhan na nakapagbigay ng valid birth certificates at ilan naman ang malinaw na fraudulent.
Sa huli, sinabi naman ni Sen. Legarda na naatasang dumipensa sa proposed budget ng DFA na P27.4 billion para sa 2025 midterm elections na handang magbigay ang Senado ng kaukulang pagpopondo na magbibigay ng suporta sa DFA sa pagbussisi sa passport application process para mapigilan ang mga dayuhan na makakuha ng PH passports sa pamamagitan ng ilegal na paraan.