-- Advertisements --

Aabot sa mahgit 1,700 na reklamo ang natanggap ng Department of Education (DepEd) hotline na sumbong na pang-aabuso ng mga guro sa kanilang mga estudyante.

Ayon kay DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte na mula ng ilunsad nila ang hotline para isumbong ang mga pang-aabuso ng mga guro ay inulan sila ng mga tawag.

Mabilis aniya nilang natutugunan ang mga reklamong natatanggap mula sa kanilang hotline.

Kadalasang mga natanggap nilang reklamo ay ang pang-aabuso sa pamamagitan ng pagsasalita ng mga masasama sa kanilang mag-aaral.