Iniulat ng Russia’s Defense Ministry na nasa mahigit 1,700 Ukrainian fighters ang sumuko na sa besieged Azovstal steel plant sa Mariupol.
Pinaniniwalaang daan-daan pang mga sundalo ng Ukraine ang nananatili sa naturang planta.
Ayon sa defense ministry ng Russia, nasa 771 fighters sa Azov Regiment ang sumuko sa nakalipas na mga araw kung saan dumami pa ang bilang ng mga ito na pumalo nasa 1,730 mula noong Lunes.
Sinabi naman ni Denis Pushilin, head ng Russian-backed separatist Donetsk People’s Republic dinal ang mga hindi sugatang sundalo ng Ukraine na sumuko sa penal colony malapit sa Russian-controlled Donetsk.
Tumanggi namang magbigay ng komento ang Ukrainian officials sa claim ng Russia.
Kinumpirma naman ni Sviatoslav Palamar, deputy head ng Azov Regiment na nananatili pa rin ito sa loob ng planta kasa ang iba pang mga commanders.