Iniulat ng Health Ministry na pinapatakbo ng Hamas na nasa mahigit 178 katao na ang napatay mula ng ipagpatuloy ang pambobomba sa pagitan ng Israel at Hamas matapos magpaso ang isang linggong tigil-putukan.
Ayon naman sa Israeli military, nasa 400 targets ang kanilang tinamaan sa may Gaza strip.
Naghuhulog din ang Israel ng leaflets sa mga residente sa ilang lugar sa katimugang bahagi ng Gaza na naghihikayat sa kanilang lisanin ang lugar at magtungo sa south patungong Rafah malapit sa border ng Egypt.
Dinig din angsirens sa ilang parte ng Israel kung saan naintercept ang mga pinapakawalang airstrike ng Hamas sa Gaza.
Ayon sa US, patuloy ang kanilang pakikipagdayalogo para maibalik ang military pause o tigil putukan sa pagitan ng dalawang panig.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 14,800 katao ang napatay sa pagganti ng Israel kabilang ang 6,000 bata habang 1,200 katao naman sa Israel mula ng magsimula ang giyera noong Oktubre 7.