-- Advertisements --

Inaasahan ang nasa halos 18,000 na mga atleta ang makikisali sa Batang Pinoy at Philippine National Games na magsisimula mula Disyembre 17 hanggang 22 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Sa nasabing bilang ay mayroong 14,000 na mga atleta mula edad 17 pababa ang lalahok sa Batang Pinoy hanbag halos 4,000 naman na atleta na may edad 18 pataas ay lalahok sa Philippine National Games.

Sinabi ni Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachman, na mahalaga ang nasabing torneo para sa paghubog sa mga batang atleta ng bansa.

Ang sabay na torneo na Batang Pinoy at Philippine National Games ay magpapakita ng 25 mga sports event gaya ng archery, arnis, athletics, badminton, basketball 3×3, boxing, chess, cycling, dancesport, football, gymnastics, judo, karatedo, kickboxing, lawn tennis, muay thai, pencak silat, sepak takraw, swimming, table tennis, taekwondo, beach volleyball, wrestling, weightlifting at wushu.

Ngayong taon ay mayroong bagong sporting event ang isasama sa Batang Pinoy ito ay ang Breaking (Dance Sports) at Trampoline and Aerobic Gymnastics.
Gaganapin ang opening crermony sa araw ng Linggo sa Ninoy Aquino Stadium.