Mahigit 18K na indibidwal sa Central Visayas, nairehistro sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng P
Unread post by STARFMCEBUNEWS » Wed Jul 24, 2024 5:10 pm
Mahigit 18K na indibidwal sa Central Visayas, nairehistro sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng PSA; Ahensya, nagbabala na mahaharap sa P500K na multa ang isang establisyemento kapag di tinanggap ang national ID
Maaaring gamitin sa lahat ng transaksyon ang national ID ayon sa Philippine Statistics Authority-7.
Ito ang binigyang-diin ni Regional Director Engr. Ariel Florendo.
Sinabi pa nito na kung sakali mang may establisyementong hindi ito tatanggapin ay agad na magreport sa kanilang tanggapan kung saan maaari pang pagmumultahin ito ng P500,000.
Sa buong rehiyon, iniulat nito na nasa 6.8 million na indibidwal na ang nakapagparehistro sa national ID kung saan mahigit 4M pa lamang ang nakatanggap na nito habang 2.3 ang nakatanggap ng kanilang printed ePhil IDs.
Samantala, sinabi pa ni Florendo na malaki ang naitutulong ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) na pataasin pa ang bilang ng birth registration sa rehiyon lalo na ang mga nasa marginalized sector.
Ayon sa kanya, nakapagtala sila ng mahigit 18,000 na nagparehistro at 10,000 sa mga ito ay inisyu na kung saan mayroon pa umanong 80 anyos at 100 taong gulang ang kabilang sa mga ito.
Ipinagmamalaki din nito na nakakuha ng 3rd place award mula sa Central Office ang Negros Oriental dahil sa pagkakaroon ng pinakamataas na bilang ng mga registered births.