Davao City – Umabot sa mahigit P18 milyon pesos ang hininalang shabu ang nasamsam matapos na maharang sa isang checkpoint nitong lungsod.
Ayon sa ulat ng mga otoridad,bandang alas 4:00 ng hapon, Hunyo 25,dumaan sa Sirawan checkpoint ng Task Force Davao ang dalawang lalaki na sakay ng isang SUV dala-dala ang mga kontrabando ngunit naharang ito ng mga otoridad. Nakilala ang mga suspek na sila Cresil Jay Alvarez Lacia, 29 taong gulang at si Antonio Abes Palacios Jr, 30 taong gulang, na pawang mga binata, driver, mula sa New Corella, Davao Del Norte.
Nakumpiska ang sana’y ipupuslit na mga iligal droga na may timbang na 1 kilo at 140 grams na hinihinalang shabu na may street value na Php 18,240,000. Samantala, nasa kamay na ngayon ng Toril Police Station ang mga naaresto at inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.Iniimbistigahan naman ng mga otoridad kung sino ang mga kasabwat sa pagpupuslit sana ng iligal na droga.
Sa ngayon,hinihikayat din ang mga mamamayan na maging mapagmatyag at isumbong sa otoridad ang sinumang lalabag sa batas katulad nito.