-- Advertisements --
Aabot na sa 1,853 ang mga naaresto ng PNP dahil sa paglabag sa Comelec Gun ban.
Ito ay sa 1,746 checkpoint operations mula Enero 9 hanggang ngayong araw.
Base sa tala ng PNP Command Center, 1,785 sa mga naaresto ay sibilyan, 27 ang security personnel, 15 ang miymebro ng PNP, 9 ang tauhan ng AFP, at 17 ang iba pa.
Karamihan sa mga naaresto ay sa National Capital region na nasa 672; habang 206 ang naaresto sa Region 4A; 200 sa Region 7; 177 sa Region 3; at 97 sa Region 6.
Nakumpiska sa mga ito ang 1,428 firearms; 678 deadly weapons; at mahigit 7,800 bala.