Nasa 180,000 out-of-school youth (OSY) sa Mindanao, kabilang ang Davao City, ang target na benepisyaryo ng limang taong programa ng U. S. Agency for International Development (USAID).
Bukod sa Davao City, ang Opportunity 2.0 Program Davao Hub ay binubuo ng mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iligan, Cotabato, at General Santos.
Ibinunyag ng team leader na si Rone Dela Cruz na ang programa ay nakatutok sa 15 hanggang 24 taong gulang na OSY upang mabigyan ng tamang pagkakataon sa pag-aaral dahil sila ang magiging workforce ng bansa sa hinaharap.
Idinagdag din nito na mahalagang magbigay ng access sa edukasyon at mga pagkakataon para sa OSY na makatapos kahit sa junior high school o senior high school man lang sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS ng Department of Education. Sa kabilang banda, nilikha ng Davao City ang Davao City Alliance for Out-of-School Youth Development Council (DCAOSYDC) sa pamamagitan ng Executive Order 72 na nilagdaan ni Mayor Sebastian Duterte noong Disyembre, kung saan, nabangit ang kahalagahan ng konseho dahil ito ang magbibigay prayoridad sa mga plano o development initiatives sa mga OYS at magbibigay rin ng klaro na action plan para sa Opportunity 2.0 sa mga susunod na dalawa at kalahating taon.