Nasa kabuuang 18,280 posisyon ang paglalabanan ng mga kakandidato para sa 2025 midterm elections.
Batay sa datos ng Commission on Elections, sa national race, nasa 12 senatorial seats, 63 seats para sa party-list representatives at 254 seats para sa congressional district representatives ang paglalabanan.
Para naman sa local election: tig-82 para sa Gobernador at Bise Gobernador, 800 para sa mga Sangguniang Panlalawigan members, tig-149 sa pagka-alkalde at Bise-Alkalde, 1,690 para sa Sangguniang Panlungsod members, tig-1493 para sa Municipal Mayor at Municipal Vice Mayor, 11,948 para sa Sangguniang Bayan Members.
Habang sa BARMM Members of the Parliament naman ay nasa 25 seats at sa BARMM Party representatives ay nasa 40 seats.
Samantala, sa datos ng poll body noong Setyembre 17, kabuuang 6,250,050 na ang bagong rehistradong botante.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng bagong mga botante sa Calabarzon, sinundan ng NCR, Central Luzon, Davo region at Central Visayas.