Nasa mahigit 18,000 national at local positions ang paglalabanan ng mga tatakbong kandidato sa May 2025 midterm elections base sa inilabas na data ng Commission on Elections ngayong araw.
Para sa national positions, nasa 12 senatorial seats ang available, 63 seats para sa party-list representatives at 254 seats para sa congressional district representatives.
Para naman sa local offices, paglalabanan ng mga tatakbo ang 82 posisyon para sa pagka-Gobernador, 82 para sa vice governors at 792 para sa provincial board members.
Para sa city positions, nasa 149 posisyon para sa pagka-alkalde, 149 para sa bise-alkalde, at 1,682 para sa pagka-konseha.
Sa municipal level naman, nasa 1,493 posisyon para sa pagka-alkalde gayundin sa pagka-bise alkalde habang 11,948 naman para sa konsehal.
Maliban dito, mayroon ding 32 parliament member seats at 40 party-list representatives seats ang paglalabanan sa Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao (BARMM).