-- Advertisements --
Aabot na sa $19 bilyon ang kabuuang halaga ng investments ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kaniyang pagbiyahe sa ibang bansa ngayong taon.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, na sa nasabing investments ay nakapaglaan ito sa 65 na proyekto na mas mataas pa ng 46 na proyekto noong Disyebmre 2023.
Ang 12 proyekto na nagkakahalaga ng $328 milyon ay nasa Stage 6 category ng investments at ito ay operations.
Habang mayroong 21 proyekto na nakatakdang mag-operate na sa susunod na mga buwan.
Natitiyak din niya na sa nasabing mga proyekto ay magdadala ito ng mas maraming mga trabaho sa bansa.