Nasa mahigit 19,000 na mga preso sa South Africa ang kanilang palalayain para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Isasagawa ang pagpapalaya sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng presidential parole.
Umabot na kasi sa 172 na inmates at mga staff ng correctional facilities ang nagpositibo sa coronavirus matapos na sila ay suriin.
Labis na naapektuhan dito ay ang Cape province na mayroong 102 na kaso at dalawa na ang nasawi.
Dahil sa nasabing kaso ay pumayag na si President Cyril Ramaphosa na pansamantalang palayain ang mga inmates.
Ang nasabing desisyon ay base na rin sa panawagan ng United Nations na dapat bawasan ang laman ng mga kulungan para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Mayroong kabuuang 155,000 ang populasyon ng mga inmates sa nasabing bansa.
Pawang mga mababang uri ng kaso ang nakatakdang bigyan nila ng parole.