GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa 19,747 na pamilya nitong rehiyon ang apektado sa pagbaha matapos naranasan ang malakas na buhos ng ulan,
Basi sa data sa Office of the Civil defense 12 na sa nasabing bilang mahigit sa 900 na mga indibidwal ang lumikas at temporaryo nakisilong sa kanilang mga kamng-anak.
Ayon kay OCD 12 Information Officer Jorie Mae Balmediano ang mga apektadong residente ang nagmula sa siyam na lugar sa probinsya ng Cotabato at President Quirino sa Sultan Kudarat.
Habang iilang lugar naman sa Cotabato Province ang binaha na sinapit din sa bayan ng Pikit, Mlang at Kabacan.
Kinumpirma din ni Balmediano na namigay ng ayuda ang mga LGU sa mga apektado na residente.
Apela nito na pakinggan ang mga alituntunin para makaiwas sa pinsala ng mga pagbaha.