Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala na ng 1,149 aftershocks matapos tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao noong Sabado.
Ang naitalang aftershocks ay pumapalo mula magnitude 1.4 hanggang 6.5, kung saan isang magnitude 6.6 na aftershock ang tumama sa bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur nitong gabi ng Linggo.
Inisyal na iniulat na magnitude 6 ang tumamang aftershocks subalit kalaunan ito ay itinaas sa magnitude 6.6. May lalim na 1 km ng aftershock at ang episentro nito ay 69 km hilagang silangan ng Hinatuan.
Inaasahan na mararanasan pa ng hanggang 2 linggo ang aftershocks.
Isang buntis mula sa Tagum city ang kumpirmadong nasawi sa malakas na lindol matapos mabagsakan ng pader ng kanilang bahay habang 4 na katao naman ang inisyal na napaulat na nasugatan.