-- Advertisements --

Nakatanggap ang nasa mahigit 1,000 mga manggagawa mula sa Eastern Visayas ng monetary claims na nagkakahalaga ng PHP15.6 milyon.

Ito ay matapos na mapagtagumpayan ng mga ito ang kanilang labor-related concerns sa pamamagitan ng Single-Entry Approach (SEnA).

Ayon sa regional office ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 82% o 665 mula sa 812 na ng mga request para sa naturang assistance (RFAs) na inihain noong nakaraang taon sa ilalim ng SEnA program ang na-resolba na, mas mataas ito kumpara sa target na 70% ng kagawaran.

Paliwanag ng ahensya, ang natitirang 147 RFAs anila ay maaaring binawi o di kaya’y isinangguni sa National Labor Relations Commission o sa iba pang tanggapan ng gobyerno.

Karamihan sa mga naturang RFAs noong taong 2021 ay mga underpayment o mga empleyadong hindi binayaran ang kanilang 13th month pay at holiday pay.

Samantala, binigyang papuri naman ni DOLE Regional Office 8 Diector Henry Jogn S. Jalbuena ang lahat ng mga Single Entry Assistance Desk Officers (SEADOs) mula sa iba’t-ibang mga fielf offices para sa kanilang naging pagsisikap upang maresolba ang mga labor concerns ng mga empleyadong dumudulog sa kanilang mga tanggapan.

Ang SEnA ay isang adminitratibong pamamaraan ng DOLE upang makapagbigay ng isang mabilis, walang kinikilingan, mura, at accessible settlement procedure para maiwasan ang anumang labor issues o conflicts na maging ganap na hindi pagkakaunawaan o actual labor cases.