CENTRAL MINDANAO- Namahagi ang Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute (ATI) Regional Training Center XII katuwang ang lokal na pamahalaan ng Alamada Cotabato ng free range chickens sa mga qualified farmer beneficiaries sa bayan.
Ito ay bahagi ng National Livestock Program (NLP) ng gobyerno na naglalayong panatilihin ang poultry production sa bansa.
Nasa 1,200 free range chicken ang naipamahagi sa mga farmer beneficiaries sa Brgy. Barangiran at Rangayen sa naturang bayan kung saan bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng dalawang tandang at 12 inahing manok.
Labis naman ang saya ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap na tulong at nagpapasalamat din ang mga ito sa DA-ATI at LGU-Alamada.
Matatandaang kabilang sa top 10 priority ng LGU-Alamada ang naturang livelihood initiative na makakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan nito.(Bombo Garry Fuerzas)