Nakumpiska ang nasa mahigit 1,000 sako ng puting sibuyas mula sa isang bodega sa Tondo, Manila.
Ito ay resulta ng isinagawang raid ng Bureau of Plant Industry (BPI), Bureau of Customs, at Department of Agriculture sa storage facility sa Sto. Cristo Street.
Ayon kay BPI Project assistant and team leader Melvin Banagbana, minanmanan nila ang naturang unit sa loob ng isang buwan.
Posibleng ang mga nakumpiskang sibuyas ay hoarded para imanipula ang market price.
Saad pa nito na ang mga smuggled na produkto ay lumalabas sa panahon na lubhang kailangan lalo na ngayong magpa-Pasko na tina-timing ang iligal na aktibidad dahil kailangan ng sibuyas para sa mga handa.
Dinala na ang nakumpiskang mga gulay sa warehouse ng BPI.
Nagbabala naman ang opisyal sa posibleng panganib sa kalusugan ng puting sibuyas na walang phytosanitary permit na bagamat ibinibenta sa murang halaga ay posibleng mayroong nakahalong chemicals dito kayat hindi ligtas na kainin.
Inihayag din nito na ang pagbili ng smuggled goods ay nagpapalala sa pasanin ng mga magsasakang Pilipino.