-- Advertisements --
Posibleng maapektuhan ang kabuuang isang milyong ektarya ng mga sakahan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa DA, malaking bahagi nito ay mga palayan.
Batay kasi sa datos ng DA, 15.7% ng mga palayan sa mga lugar na maaaring daanan ng bagyo ay nasa seedling at vegetative stage pa lamang habang 48.6% naman ang nasa maturity stage.
Ang mga ito ang inaasahang mapipinsala sa mga malalakas na hangin at mabibigat na pag-ulan na maaaring humantong sa malawakang pagbaha.
Maliban dito, binabantayan din ng DA ang mahigit 75,000 ektarya ng mga taniman ng mais na maaaring maapektuhan din sa pananalasa ng naturang bagyo.