Nasa mahigit isang milyong mga kabataan na may edad na lima hanggang 11 taong gulang ang nabakunahan na laban sa COVID-19 simula nang ilunsad ng Department of Health (DOH) ang pediatric vaccination noong Pebrero 7.
Ayon sa kagawaran, nasa kabuuang 1,233,017 na mga bata ang nakatanggap na ng bakuna laban sa nasabing virus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 381,433 sa mga ito na may edad na lima hanggang 11 taong gulang ang fully vaccinated na, habang nasa 9.7 million naman ang mga bakunadong 12 hang 17 anyos.
Tiniyak naman ng undersecretary sa mga magulang na patuloy na kumukuha ng naaangkop ng COVID-19 vaccine ang pamahalaan para sa mga menor de edad upang maprotektahan ang mga ito laban sa nasabing virus.
Samantala, noong Marso 11 ay maaalala na inaprubahan na ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng CoronaVac ng Sinovac para sa mga bata.