Umaabot pa rin umano sa 2.3 million na mga customers ang wala pa ring suplay ng koryente matapos na manalasa si Hurricane Ian sa estado ng Florida.
ayon sa ulat ng PowerOutage.us naging mabagal umano ang pagsasaayos na maibalik ang koryente.
bago ito umabot pa sa 2.6 million na mga residente ang nangangapa sa dilim na iniwan ng delubyo dala ng malakas na bagyo.
Sinasabing ang mga counties na may highest percentage ng mga konsumidores na walang power supply ay ang Hardee, Charlotte, Lee at Highlands counties.
Liban nito meron pang 10 dagdag na mga counties na may tig-10,000 customers ang nakaranas din ng outages.
Samantala ang Collier County sa Florida ay nagpatupad na rin ng mandatory curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.
Layon ng curfew ay maproteksiyunan ang kanilang seguridad at kanilang mga pag-aari habang nagsisimula na muli ang kanilang proseso sa pagrekober.
Una nang napaulat na umaabot na rin sa 17 ang nasawi dahil sa bagyo.