-- Advertisements --

Umabot sa mahigit 2.5 milyon doses ng Moderna COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa nitong Miyerkules ng gabi.

Unang dumating ang 1,357,300 doses ng nasabing bakuna 1:20 ng hapon at pagdating ng 9:45 ng gabi ay dumating ang 1,230,800.

Parehas na lumapag ang eroplanong pinagsakyan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Pinangunahan ni National Task Force Against COVID-19 consultant Lt. Col. Francel Margareth Taborlupa ang pagsalubong sa mga bakuna.

Sinabi nito na malaki ang tulong ng mga bakuna para mabilis na makamit ang target na 54 milyon na populasyon na mabakunahan laban sa COVID-19.