-- Advertisements --

Pumalo na 2,500,000 na mga katao ang lumikas palabas ng Ukraine dahil sa pag-atake ng Russia.

Ayon sa United Nations na mayroon pang dalawang milyon ang internally displaced o yung mga nawalan ng tirahan subalit nasa loob pa rin sila ng Ukraine.

Isinisi ni UN Refugee Agency’s chief Filippo Grandi ang pagdami ng mga lumikas dahil sa walang kuwentang giyera na nagsimula noong Pebrero 24.

Sa nasabing bilang na mga lumikas ay mayroong 116,000 naman ang mga dayuhan na mula sa ibang bansa.

Bago kasi ang pag-giyera ng Russia ay mayroong mahigit 37 milyon katao ang naninirahan sa Ukrainian territory sa pamumuno ng kontrol ng central government ng Kyviv.