-- Advertisements --

Natanggap na ng bansa ang mahigit 2.7 milyon doses vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.

Ang 2,703,870 doses ay donasyon mula sa US sa pamamagitan ng Global Access na COVAX facility.

Dahil sa nasabing bilang ay mayroon ng kabuuang 213,487,520 ang kabuuang bakuna na natanggap na ng bansa.

Sinalubong ng mga opisyal ng Department of Health ang nasabing mga bakuna na ipapamahagi sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.