-- Advertisements --
Nasa mahigit 2.7 million na katao ang nawalan ng suplay ng kuryente sa Texas dahil sa nararanasang winter storm.
Ang nasabing sama ng panahon ay kumitil na ng 21 katao noong nakaraang mga araw.
Ayon sa Electric Reliability Council of Texas (Ercot) na agad na naibalik ang suplay ng kuryente sa kanilang mahigit 600,000 na kabahayan.
Patuloy pa rin ang pagbabala ng National Weather Service na makakaranas ng makapal na pag-ulan ng yelo sa mga susunod araw.
Tiniyak naman ni US President Joe Biden ang kahandaan ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang estado.