Nasa mahigit 2,400 na mga websites na ginagamit para sa iligal na online sabong ang ipinasara na ng PNP Anti Cybercrime Group (ACG).
Ayon kay PNP ACG director Brig. Gen. Sidney Hernia, na kahit mayroon ng executive order 9 na ipinalabas noong nakaraang taon ay nakapagtala pa rin sila ng 2,817 na mga websites na nagpapatakbo ng e-sabong.
Agad silang nakipag-ugnayan sa National Telecommunications Commission at ilang mga telcos para ipasara ang mga websites.
Halos buwan-buwan ay may mga iligal na websites ang naipapasara na base sa pinakahuling monitoring nila ay mayroon na lamang 37 na websites ang aktibo.
Bukod aniya sa pag-block ng mga websites ay kanilang tinutungo ang mga lugar kung saan isinasagawa ang online na sabong.
Nanawagan ang police officials sa mga mambabatas na gumawa sana sila ng mga batas para sa pagpaparusa at tuluyang pagbabawal ng nasabing iligal na online -sabong sa bansa.