-- Advertisements --

Nag-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kabuuang 2,500 traffic personnel bilang paghahanda sa inaasahang pagbibigat ng trapiko habang bumabalik ang mga biyahero sa Metro Manila matapos ang Semana Santa.

Ayon kay Charlie Nosares ng MMDA Metrobase, wala pang namataang matinding traffic o aksidente sa mga pangunahing kalsada sa kalakhang Maynila nitong Linggo ng umaga, kahit may isinasagawang roadworks sa bahagi ng C-5 Road sa Pasig at Mindanao Avenue sa Quezon City.

Bagaman nananatiling maluwag ang mga lansangan, pinaalalahanan pa rin ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho.

Inaasahan ng MMDA na magsisimula ang pagbigat ng trapiko bandang alas-4:30 ng hapon ng Linggo at magpapatuloy hanggang Lunes ng umaga, Abril 21, sa pagbabalik ng mga biyahero mula sa probinsya.

Dahil dito, pinayuhan ng MMDA ang publiko na magplano ng maaga upang makaiwas sa matinding abala sa trapiko sa muling pagbalik ng trabaho at klase.