-- Advertisements --
Digos City Earthquake
Digos City Earthquake

KORONADAL CITY – Patuloy na isinasailalim sa psychosocial intervention ang mga residente sa mga lugar sa South Cotabato at North Cotabato na naging apektado ng magnitude 6.3 na lindol at aftershocks.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay OCD-12 assistant regional director Jerome Barranco, isinagawa ang stress debriefing sa mga residente na nakaranas ng malakas na lindol at nagkaroon ng trauma.

Kasabay nito, pinayuhan din ni Barranco ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling imprormasyon sa pamamagitan ng text at sa social media.

Hinikayat din nito ang publiko na makinig lamang sa mga berepikadong report mula sa mga ahensiya ng gobyerno at mga lehetimong media entities.