LAOAG CITY – Aabot na sa dalawang libong pamilya a mahigit 11,000 na individual ang apektado ng Bagyo Egay sa buong Rehion 1.
Ayon kay Ms. Bernadette Abad, ang Civil Defense Officer II ng Office of the Civil Defense Region 1, mula sa bilang nga mga apektado ay 208 na pamilya o 622 na indibidual ang nasa evacuation center sa buong rehiyon.
Sa inisyal na report na natanggap ng kanilang opisina, mayroon aniyang mga bahay at establishimento ang nasira habang sa sektor ng agrikultura ay wala pang naitatalang sira, ngunit nagpapatuloy ang pagkalap nila ng impormasyon.
Hinggil dito, kinukumpirma pa nila kung disaster related ang ikinamatay ng isang indibiduwal sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Ngayong araw rin ay suspendido rin trabaho sa mga government offices dito sa Region 1.
Sa ngayon ay nasa Red Alert status ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Office at nakahanda naman ang lahat ng personnel para sa augmentation kung kailangan ng mga lalawigan sa rehiyon.
Dito naman sa Ilocos Norte ay mayroon ng 97 pamilya o 362 na indibidual nga inilikas dahil parin sa nararanasang pag-ulan at malakas na hangin na dala ng Bagyong Egay.
Maliban dito, halos lahat naman ng mga bayan at lungsod dito sa Ilocos Norte ay nawalan ng suplay ng kuryente.
Nabatid na mayroon nang mahigit 3,000 na relief packs na naka-preposition sa mga iba’t-ibang bayan sa lalawigan gaya ng Pagudpud, Pasuquin, Banna, Solsona, Currimao at sa lungsod ng Batac na puwedeng ipamigay sa mga apektado.