-- Advertisements --

Hindi bababa sa 2,000 katao ang nasawi at nasa 10,000 iba pa ng nawawala dahil sa malawakang pagbaha dulot ng bagyong Daniel sa Libya.

Nasira rin ng ilang araw na malalakas na pag-ulan ang dalawang dams kaya nagdulot ito ng malawakang pagbaha sa nasabing lugar.

Labis na nasalanta ang lungsod ng Derna kung saan nasa mahigit 6,000 residente doon ang nawawala.

Maging aniya ang mga pagamutan ay napuno na ng mga pasyente at ang mga bangkay naman ay nakalagay na rin sa labas ng morgue.

Huling nakaranas na matinding pagbaha kasi ang Libya ay noong 2019 kung saan apat na katao ang nasawi at ilang libong residente ang apektado.

Nagpadala naman ang maraming bansa para tulungan ang mga residente na naapektuhan ng nasabing pagbaha.