-- Advertisements --

Magkakasunod na natanggap ng bansa ang mahigit 2-milyon doses ng COVID-19 vaccine.

Pasado alas-nuebe kagabi ng lumapag ang eroplanong pinagsakyan ng 976,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng Asian Development Bank.

Nauna rito nitong hapon rin ng Lunes ay natanggap ng Pilipinas ang 1,776,060 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer na donasyon ng US.

Aabot na sa kabuuahg 187,165,885 COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa kung saan 107,259,520 naman ang binili ng national government.