-- Advertisements --

Dumating sa bansa ang mahigit 1,526,400 doses ng Janssen COVID-19 vaccine na donasyon mula sa bansang the Netherlands.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasabing bakuna pasado alas-onse nitong Lunes ng gabi.

Ang nasabing bakuna ay bahagi ng 7.5 milyon na Johnson & Johnson COVID-19 na donasyon ng nasabing bansa.

Sa pagtutulungan aniya ng European Unon at miyembro nito na magbigay ng 100 milyon doses sa buong mundo sa pagtatapos ng 2021.

Bago dito ay mayroong 859,950 doses na Pfizer-BioNTech COVID-19 ang dumating pasado alas-9 ng parehas na gabi.

Ang nasabing mga bakuna ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng Asian Development Bank.