-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang mahigit dalawang milyong doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang eroplanong sinakyan ng 2,020,590 pasado alas-11:50 nitong Linggo ng gabi.
Ang nasabing mga bakuna ay mula sa COVAX Facility ng World Health Organization.
Sinalubong ng ilang mga opisyal ng DOH ang nasabing bagong shipment.
Ang naturang bakuna ay bukod pa sa naunang tatlong milyong doses na Sinovac COVID-19 vaccine na dumating sa bansa.