-- Advertisements --
sim card

Mahigit 20.5 milyong SIM ang matagumpay nang nairehistro mula nang magsimula ang mandatoryong pagpaparehistro, ayon sa mga datos na naitala ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa pahayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang 20,551,294 SIM ay kumakatawan sa 12.16 porsiyento ng kabuuang 168,977,773 milyong subscribers sa buong bansa.

Kung matatandaan, ang SIM Registration ay ipinapatupad kasabay ng Data Privacy Act.

Sa ilalim ng nasabing batas, dapat tiyakin ng mga Public Telecommunication Entities na ang data ng mga end-user ay secure, naka-encrypt, at protektado sa lahat ng oras.

Sinabi pa ng ahensya na nilalayon nitong magparehistro ng hindi bababa sa isang milyong SIM araw-araw, ngunit inaasahan ang paghina ng registration sa mga susunod na linggo at muli namang lalakas kapag malapit na ang deadline nito.

Kaugnay niyan, ang mga taong may mga reklamo at alalahanin na may kaugnayan sa SIM Registration ay maaaring tumawag sa Department of Information and Communications Technology hotline 1326.

Una na rito, ang deadline ng nasabing SIM registration ay sa ika-26 ng Abril ng kasalukuyang taon.