Matagumpay na nakabalik ng bansa ang nasa 25 na distressed OFW mula sa bansang lebanon sa tulong ng Embahada ng Pilipinas sa naturang bansa.
Kabilang sa mga na repatriate ay mga Pilipino na walang pera at mga undocumented.
Kasama rin sa nabigyan ng pagkakataong makabalik ng bansa ay ang isang bilanggo na una ng binigyan ng legal assistance at ang apat na OFW na naapektuhan ng malawakang welga mula sa nasabing bansa na humantong sa pagka-antala ng pagproseso sa kanilang mga kaso.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga OFW na na repatriate sa Philippine Embassy para sa tulong nitong isaaayos ang kanilang mga dokumento upang makabalik sila ng bansa at sa pagbibigay rin nito ng welfare assistance sa kabila ng matinding epekto ng krisis sa lebanon sa mga hindi dokumentadong migrant workers.
Ang naturang mass repatriation activity ay ang huling batch ng Assistance to Nationals na gagawin ng Embahada sa paglipat ng OFW-related functions sa Migrant Workers Office (MWO) sa Lebanon simula sa Sabado, July 1.
Samantala, magpapatuloy naman sa pagbibigay ng tulong ang Assistance to Nationals Section ng Embahada ng Pilipinas sa iba pang distressed na mga Pilipino sa Lebanon dahil pa rin sa kasalukuyang sitwasyon na naturang bansa.