-- Advertisements --
Pangunahing target ngayon ng mga vaccination program ang mga rehiyon na may mababang bilang ng mga batang bakunado para sa sakit na tigdas at iba pang karamdaman.
Tuloy-tuloy ang measles immunization sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Dito ay katuwang ng Philippine red Cross (PRC) ang International Committee of the Red Cross (ICRC) at Department of Health (DOH).
Nabatid na nakapagbakuna na mula April 1 hanggang 25, 2024 ng aabot sa 20,041 na mga bata.
Hindi inalintana ng vaccination team ang tirik na sikat ng araw at makipot na mga daan para maisakatuparan ang aktibidad.