Naaresto ng Israeli Defense Forces ang mahigit 20 mga Hamas suspeks na responsable sa pag-atake sa Israel noong Oktubre 7 ng nakaraang taon.
Ang mga ito ay naaresto sa ginawang paglusob nila sa Nasser Hosptial sa Khan Younis kung saan kasamang nasawi din dito ang limang pasyente matapos na mawalan ng suplay ng kuryente para sa kanilang oxygen supply.
Sa nasabing pagamutan kasi nagtago ang mga Hamas kung saan ginamit nilang panangga ang mga pasyente para hindi sila matunton.
Nakipag-ugnayan na rin ang World Health Organization (WHO) sa United Nations at Israel para magkaroon sila ng access sa Nasser Hospital.
Sinabi ni WHO spokesperson Tarik Jasarevic na lubhang nakakabahala ang ginawang paglusob na ito ng Israel sa pagamutan.
Kailangan ng agarang tulong ang mga pasyente, health workers at mga sibilyan na naipit sa nasabing pagamutan.
Mahalaga na dapat ay maprotektahan ang mga pagamutan at alalahanin ang mga kalagayan ng mga pasyente.