-- Advertisements --
workers

Lumabas sa survey ng United Nations na mahigit sa isa sa limang tao sa trabaho sa buong mundo ang nakaranas ng ilang uri ng harrasment o karahasan sa lugar ng trabaho.

Ang nasabing survey ay isang unang pagtatangka upang makagawa ng isang global overview ng laki at dalas ng problema, at ang mga hadlang na pumipigil sa mga tao na pag-usapan ito.

Napag-alaman na 22.8 percent o743 milyong tao na employed ang nakaranas ng harrasment at karahasan sa trabaho sa panahon ng working life.

Tatlong uri ng harrasment at violence ang naranasan ng mga working employees gaya ng physical, psychological at sexual.

Ang resulta ng survey ay nakabase sa mga interviews ng 74,364 workers sa loob ng 121 countries.