-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 1,291 total confirmed case ng COVID-19 ang Nueva Vizcaya nitong araw ng Biyernes matapos makapagtala ng 22 panibagong kaso.
Sa nasabing panibagong kaso ay pinakamaraming naitala sa bayan ng Bagabag na 14, tig-dadalawa sa Quezon at Bagabag, habang tig-iisa sa mga bayan ng Bayombong, Solano, Kasibu at Santa Fe.
Umakyat na rin sa 291 ang active cases habang 952 ang naka-recover.
Umaabot sa kabuuang 48 na ang mga nasawi.