Nasagip ng mga awtoridad ang 24 na Pilipinong nagtrabaho sa Chinese scam companies sa Myawaddy, Myanmar noong Abril 21.
Isinagawa ng PH Embassy Police Attaché sa pangunguna ni Colonel Dominador Matalang, International NGOs sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa Thailand ang rescue operation sa mga human trafficking victim at personal na nasaksihan ang pagpapalaya sa mga Pilipino mula sa kanilang employer mula sa umano’y scam hub sa Dong Feng Park na tinatawag ding KK2 Park sa Lay Kay Kaw sa timog ng Myawaddy.
Sa ngayon, kasalukuyang inaantay pa ng mga Pilipino na maproseso ang kanilang repatriation pabalik ng PH.
Ayon naman kay Matalang ang mga nasagip na Pilipino ay kasama sa mahigit 100 Pilipino na na-trap sa Myawaddy sa gitna ng labanan sa pagitan ng Myanmar army at Karen National Union at allied forces nito na sumiklab noong Sabado, Abril 20 malapit sa 2nd Thai-Myanmar Friendship Bridge.