-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang pagsasailalim sa testing at culling procedure sa mga baboy mula sa tatlong lugar sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Rodriguez, Rizal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) chief Genaro Inosentes, mahigit 200 baboy na ang naisalang ng mga beterinaryo sa kinakailangang proseso.

Pagkatapos na matukoy kung may sakit, agad umano itong dinadala sa landfill na nasa Brgy. San Isidro.

May pagsusuri din sa Brgy. San Jose at Brgy. Macabud.

Sinabi ni Inosentes na may mga checkpoint na rin sa iba’t-ibang lugar ng Rizal para mapigilan ang pagkalat sakit at maharang ang pag-transport ng anumang meat products.

Sa kabila nito, nilinaw ng MDRRMO na wala pang deklarasyon ang DA ukol sa African swine fever sa loob ng ating bansa.