-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nakahanda umanong magbigay si Capiz Governor Esteban Evan Contreras ng private lawyer para sa mahigit 200 mga biktima ng illegal recruitment na pinangakuan ng trabaho sa South Korea.

Ito ang inihayag ng gobernador sa panayam ng Bombo Radyo kasunod ng paglitaw ng daan-daang mga biktima sa Roxas City Police Station.

Ayon kay Contreras, ipinatawag nito ang mga biktima upang pag-usapan ang kaniyang maibibigay na tulong upang mapabalik ang ibinigay ng mga ito na tig-P73,700 bilang bayad sa nag-recruit na si Ramilyn Andrade at live-in partner nitong Korean national na si Kim Tayyeong.

Mismong ang provincial government ang magbibigay ng private lawyer upang masampahan ng kaukulang kaso si Andrade at mapanagutan nito ang ginawang panloloko sa higit 200 mga biktima.

Ayon kay Contreras dapat na mabigyan ng leksiyon ang illegal recruiter na nangakong makakapagtrabaho bilang factory workers sa South Korea ang mga biktima.