-- Advertisements --

CEBU- Aabot na 295 ka mga establisyemento sa region 7 ang nag-apply ng business closure sa Department of Labor and Employment (DOLE-7) kung saan 6,340 ka mga trabahante naman ang apektado.

Ito ang kinumpirma ni DOLE-7 Regional Director Salome Siation bunsod na rin ng nagpapatuloy na Community Quarantine Status ng rehiyon kung saan ang Cebu City ay naka Enhanced Community pa rin.

Aabot naman sa 1, 616 ka mga business establishments ang nag-apply ng flexible working arrangements at temporarily closure kung saan 61, 264 employees naman ang naapektahan.

Ayon pa ng director na dahil sa kawalan ng customer, kaya nagsara na ang naturang mga establisyemento.

Kaugnay rin nito, sinabi ng iilang mga businessmen sa lalawigan na malapit ng makarating sa lowest point ang ekonomiya ng Cebu Province kaya naman nanawagan ito sa IATF na ibalanse sana ang sitwasyon ng pinaiiral na community quarantine at tingnan rin ang aspeto ng ekonomiya.

Nilinaw naman ng DOLE-7 na wala na silang budget para sa mga displaced workers sa rehiyon dahil naghihintay lang din sila ng funding na mula sa central office.