-- Advertisements --

Tinatayang nasa 200,000 katao na ang lumikas palabas ng northern Gaza mula pa noong Nobyembre 5.

Ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na dumaan ang mga ito sa ‘corridor’ na binuksan ng Israel military.

Ang nasabing pagbubukas ng corridor ay kaparaanan para ligtas na makalabas ang mga residente ng northern Gaza.

Marami namang ang lumikas sa South Gaza ang dumaranas ng limitadong access sa shelter, pagkain at tubig.

Umaasa ang OCHA na tataas pa ang bilang ng mga lilikas palabas ng Gaza.