-- Advertisements --
Mayroong mahigit 200,000 na trabaho ang naghihintay para sa mga manggagawang Pinoy ngayong Labor Day.
Ayon sa Department of Labor and Employement (DOLE) na isasagawa sa araw ng Paggawa o Labor Day sa 95 na lugar ang nationwide Job Fair.
Mayroong 2,400 na sumaling mga employers at kabuuang 204,818 na bakanteng trabaho.
Ipinagmalaki pa ng DOLE na halos na-triple ang bilang ng mga bakanteng trabaho ang inialok ngayong taon kumpara noong 2023.
Huling nag-alok ang gobyerno ng ganitong karaming trabaho ay noong 2019 bago ang COVID-19 pandemic.