Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kabuuang 264,572 pasahero sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa sa Bisperas ng Bagong taon.
Sa consolidated report ng PCG, nasa 133,760 ang naitalang outbound passengers habang nasa 130,812 ang inbound passengers.
Nagsagawa naman ng inspeksiyon ang nasa 2,964 frontline personnel mula sa 16 PCG districts sa 1,447 vessel at mahigit 2,000 motorbancas.
Samantala, nananatili namang naka-heightened alert ang PCG districts, stations at sub-stations hanggang sa araw ng Biyernes, Enero 3 para mapangasiwaan ang muling pagbuhos ng mga pasahero sa mga pantalan na magsisibalikan sa kanilang mga trabaho matapos ang holiday season.
Para naman sa anumang concern at clarifications sa biyahe sa dagat, mangyari lamang makipag-uganyan sa pamamagitan ng PCG official Facebook page o Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729).