-- Advertisements --

Mahigit 216,144 ang mga local oversease na trabaho mula sa 2,281 na employer ang iaalok ng Department of Labor (DOLE) sa 69 job fair sites sa buong bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 123rd Labor Day.

Ang naturang Job Fair ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing regular na programa ang job fair para sa mga manggagawang Pilipino.

Lalahukan ito ng mga kilalang kumpanya sa bansa tulad ng retail, food , services at hotel na gaganapin sa SMX convention center, Pasay City.

Hinimok ng DOLE ang mga naghahanap ng trabaho na makipag-ugnayan sa mga Public Employment Sevices Office (PESO) o sa mga regional offices para sa kompletong detalye ng mga bakanteng posisyon at job fair venues.