-- Advertisements --
Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa bangaan ng tatlong tren sa Odisha, India na sa ngayon ay aabot na sa mahigit 200 kateao ang nasawi.
Ayon sa mga otoridad na bigla na lamang nadiskaril ang dalawang pampasaherong tren at ito ay bumangga sa cargo train.
Bukod sa mga nasawi ay mayroong ilang daang pasahero ng mga tren ang sugatan na sila ay dinal na sa iba’t-ibang pagamutan.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa pinakasanhi ng nasabing aksidente.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Norindra Modi sa mga kaanak ng nasawi sa aksidente at tiniyak nito na ibibigay ng gobyerno ang lahat ng kanilang maitutulong.