-- Advertisements --
image 646

May kabuuang 205 katao ang naaresto sa pinaigting na isang linggong anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa Quezon City mula Setyembre 15 hanggang 21.

Sa isang pahayag, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) chief BGen. Redrico Maranan na kabilang sa bilang ang 18 drug users at 30 drug pushers na nakakuha ng kabuuang P1.9 milyong halaga ng ilegal na droga sa 32 operasyon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Samantala, na-round up din ng QCPD ang kabuuang 86 na wanted na tao sa lungsod – 31 dito ay nakalista bilang top most wanted persons at 55 ang na-tag bilang iba pang wanted persons.

May kabuuang 71 mga suspek sa illegal gambling din ang nahuli sa 27 operasyon na nagbunga ng P10,459 na halaga ng bet money.

Ayon kay Maranan, ang tagumpay sa kampanya laban sa kriminalidad ay maituturing ding tagumpay para sa taumbayan.

Una na rito, patuloy na magpapatupad ng Enhanced Police Presence Quezon City Police District upang supuin ang anumang iligal na mga aktibidad.